Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Cristina, Calubian, Leyte nito lamang Abril 22, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marino Azur G Estonio, Force Commander ng 2nd Leyte Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Ka Masing”, 64 anyos at residente ng Barangay Binibihan, Carigara, Leyte.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 2nd Leyte Provincial Mobile Force Company, kasama ang Leyte Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 8, Provincial Intelligence Team Leyte, 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, 34th Special Action Company, 3rd Special Action Battalion, PNP-SAF at Carigara Municipal Police Station.
Isinuko rin ng nasabing surrenderee ang isang yunit caliber .38 revolver na may dalawang bala.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at bigas mula sa mga kapulisan.
Ang dating miyembro ng CTG ay nasa kustodiya na ng 2nd Leyte PMFC para sa dokumentasyon at facilitation ng kaniyang pagsasailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy pa rin ang panawagan ng Pambansang Pulisya na magbalik-loob na ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTG upang makapiling muli ang kanilang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating pamahalaan.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian