Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Ga-as, Baybay City, Leyte nito lamang Pebrero 15, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maximo M Beleo, Force Commander ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Jovy”, 47 anyos, magsasaka at residente ng Purok Lubogon, Mataloto, Leyte, Leyte.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company kasama ang 31st Special Action Company, 3rd Special Action Battalion, PNP-SAF, City Intelligence Team Ormoc, Regional Intelligence Unit 8 at Leyte Provincial Intelligence Unit.
Isinuko rin ng nasabing surrenderee ang isang yunit caliber .38 revolver na may tatlong bala.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at bigas mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 1st Leyte PMFC para sa facilitation at dokumentasyon ng kanyang pagsasailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng dating miyembro ng CTG ay representasyon na ang mga programa ng ating gobyerno sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo ay matagumpay na naipapatupad tungo sa pagkamit ng payapa at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian