Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Garden, Arteche, Eastern Samar nito lamang ika-25 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Captain Mark Daniel L Maraquilla, Officer-In-Charge ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Kording”, 59 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Can-omanio, Lapinig, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, kasama ang Provincial Intelligence Team Northern Samar, Regional Intelligence Unit 8, 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company, Northern Samar Provincial Intelligence Unit at 52nd Infantry Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at bigas mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa pansamantalang pangangalaga ng Joint AFP-PNP Intelligence Committee para sa validation ng kaniyang pagsasailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng dating miyembro ng CTG ay representasyon na ang mga programa ng ating gobyerno sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo ay matagumpay na naipapatupad tungo sa pagkamit ng payapa at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian