Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa himpilan ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa Barangay Garden, Arteche, Eastern Samar nito lamang ika-24 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Captain Mark Daniel L Maraquilla, Officer-In-Charge ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Raffy”, 25 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Can-Maria, Lapinig, Northern Samar at miyembro ng F-3, SRC, ARCTIC, EVRPC.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang Provincial Intelligence Team Eastern Samar, Regional Intelligence Unit 8, 32nd Special Action Company, 3rd Special Action Battalion, PNP-SAF, 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company, Northern Samar Provincial Intelligence Unit at 52nd Infantry Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 801st Maneuver Company, RMFB 8 para sa facilitation ng kanyang posibleng enrollment sa programa ng ating pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy pa rin ang panawagan ng Pambansang Pulisya na magbalik-loob na ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs upang makapiling muli ang kanilang pamilya, mamuhay ng payapa at patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating pamahalaan.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian