Naaresto ng mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na kinilalang si Alyas “Ka Abel” na wanted sa kasong murder noong Agosto 7, 2024, bandang 2:25 ng hapon.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jason T. Nadarisay, Officer-In-Charge ng Candon City Police Station, ang miyembro ng CTG na si “Ka Abel”, 37 taong gulang, binata, residente ng Barangay Palacapac, Candon City, Ilocos Sur.
Si Ka Abel ay aktibong miyembro ng Antonio Licawen Command na kumikilos sa mga probinsya ng Abra, Mt. Province, at Ilocos Sur. Ito ay wanted sa kasong kasong Frustrated Murder (2 counts).
Ang pagkakaaresto sa miyembro ng CTG ay bahagi ng pagsuporta sa 7-Point Agenda ng RD PRO 1 at sa “Whole of the Nation Approach” ng gobyerno sa ilalim ng EO 70 NTF-ELCAC upang wakasan ang insurhensiya sa bansa.