Caloocan City – Kalaboso ang isang lalaking miyembro ng ASISTIN Criminal Gang matapos mahulihan ng ilegal at walang kaukulang papeles na baril ng Caloocan City Police Station nito lamang Miyerkules, Hunyo 14, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng Northern Police District, na si alyas “Zombie,” 36, construction worker at naninirahan sa Phase 9, Package 2, Block 1, Lot 12, Barangay 176, Bagong Silang Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, naaresto si alyas “Zombie” sa isinagawang Search Warrant ng pinagsanib puwersa ng Intelligence Section ng istasyon kasama ang District Intelligence Division, Northern NCR Maritime Police Station at 4th MFC ng RMFB NCRPO bandang 11:00 ng umaga sa kahabaan ng Barangay 176, Bagong Silang sa Caloocan City.
Narekober sa suspek ang isang Caliber .45 na baril na may serial number 483271; isang Magazine Assembly; at apat na piraso ng live ammunition na inilaan para sa Caliber. 45 na baril.
Ang Search Warrant ay inisyu ni Hon. Raymundo G. Vallega, Executive Judge, RTC Branch 130, Caloocan City, na may petsang Hunyo 9, 2023, para sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
“Pinuri ni PMGen Edgar Alan O Okubo, Regional Director ng NCRPO ang walang humpay na pagsisikap ng Caloocan City Police Station dahil sa pagkakahuli sa nasabing suspek. Ang pag-arestong ito ay nagsisilbing patunay sa kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko at pagtataguyod ng panuntunan ng batas.”
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos