Arestado ang isang suspek sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng CIDG Zamboanga City Field Unit, CIDG Basilan PFU, CIDG Tawi-Tawi PFU, 55th SAC-5th SAB, RSOG9, 904th MC (RFMB9) at RHPU9 sa Motorpol, Brgy. San Roque Zamboanga City noong Oktubre 19, 2021.
Ang suspek ay nakilalang si Julhakim Habibon Y Sakiran, 32 taong gulang, kasal at residente ng Motorpol Brgy. San Roque, Zamboanga City.
Siya ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa krimen ng paglabag sa Art. 267 ng Revised Penal Code, as amended (Kidnapping for Ransom) naka-docket sa CC# 2468-5 na inisyu ni Hon. Abdulmoin M Pakam Presiding Judge, RTC, 9th Judicial Region, Branch 5, Bongao, Tawi-Tawi noong September 02, 2019 na walang inirekomendang piyansa.
Si Habibon ay isang miyembro at spotter ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Kidnap for Ransom Group (KFRG). Siya ay manugang ng miyembro ng ASG na si alias Saldi (hindi alam ang totoong pangalan) na residente ng Brgy. Kasanyangan, Bongao, Tawi-Tawi.
Ang nasabing suspek ay ginamit bilang spotter sa naarestong ASG/KFRG Sub-Leader Idang Susukan sa ilalim ng pamumuno ni Sulu-based ASG/KFRG Sub-Leader Hatib Hajan Sawadjaan at ASG Sub-Leader Guruh Hariffe na nagsagawa ng mga aktibidad sa probinsya ng Tawi-Tawi at tubig dagat ng Philippine-Malaysia borders.
Siya din ay kinilalang abductor ng mga biktima ng kidnapping na kinilalang sina Jushua Bani, Hji. Terong Yerong at Joseph Bani noong Hunyo 2014 sa Chinese Pier, Bongao, Tawi-Tawi.
#####
Article by Police Staff Sergeant Leah Lyn Q Valero