Nahaharap sa kasong Parricide ang isang mister matapos nitong patayin sa pananaksak ang kanyang misis sa Surigao City.
Batay sa report, matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen, agad rumesponde ang mga tauhan ng Surigao City Police Station sa lugar kung saan naganap ang insidente at nadatnan ang wala nang buhay na biktima.
Iniwan ang pitong (7) anak at tumakas ang suspek na si Angelito Abadejos Lapuot, 41 anyos, at isang construction worker.
Sa imbestigasyon ng pulisya, parehong lasing na umuwi sa kanilang tahanan ang mag-asawa mula sa magka-ibang okasyon. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa na nauwi sa away. Dahil sa galit, sinaksak ng suspek ang misis nito sa dibdib.
Nasawi ang biktima na si Juliet Juanite Lapuot, 38 anyos.
Boluntaryong sumuko rin ang suspek sa Surigao City Police Station matapos ang dalawang (2) araw na pagtatago.
Ang suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Article 246 ng Revised Penal Code o Parricide.
####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche