Saturday, March 7, 2026

“MINSAN”

Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat. Dalangin ko po na patuloy nating maranasan ang habag ay biyaya ng ating Panginoong Diyos. Mula pagkabata ay naririnig po natin ang katagang “minsan” sa mga nagku-kwentuhan, at marahil iniisip natin kung ano ang kahulugan nito. Habang tayo po ay lumalaki ay unti-unti natin itong nauunawaan.

Para sa inyo gaano po kahalaga ang katagang “minsan”?

Naranasan niyo na bang may mag-aya sa iyo na mag-audition para sa singing contest dahil narinig ka sa husay sa pag-awit. Pero tinanggihan mo dahil nahihiya ka, at ng manood kayo ng singing contest ay mas magaling ka pa pala. Marami ang nagsabi sa iyo na, “sana sinubukan mong sumali sa contest ang laki pa naman ng premyo kahit consolation prize ay isang libong piso at hindi ka na makapupulot niyon sa panahon natin ngayon.” Medyo may panghihinayang, pero ang nasa isip ay nahihiya kasi ako at hindi ko kaya. May nag-aya sa iyo na mag-exam sa PNPA para maging Opisyal pagkatapos ng pag-aaral, pero ang tugon mo, “mahirap ang exam at training.” Pipilitin pa rin tayo at sasabihing, “sa una lang mahirap at isipin mo na pagkatapos ay opisyal tayo.”

Salamat sa mga taong nagpilit sa atin na mag-exam sa PNPA o mag-aplay ng “Pulis”. Kung hindi dahil sa kanila wala tayo sa ating kalagayan. Minsan lang dumarating ang pagkakataon at kapag hindi natin ito pinag-tuunan ng pansin ay hindi na ito babalik pa.

Ang mga mabubuti nating ginawa ay nakakapag-bigay ng saya at galak sa mga tao. Ngunit ang “minsan” na pagkakamali ay maaaring burahin nito ang lahat ng kabutihang nagawa natin.

Minsan lang po tayo mabubuhay sa mundong ito. Ayon po sa Hebreo 9:27

“Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.”

Maliwanag po na sinabi sa Hebreo 9:27 na ang tao po ay minsan mamamatay at pagkatapos ay paghuhukom. Ang tao ay hahatulan ng Diyos ayon sa kanyang mga ginawa. Ang buhay natin ay kaloob ng Diyos sa atin at binigyan ng kalayaan kung paano tayo mamuhay.

Ang mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos o mamuhay ayon sa takbo ng sanlibutang ito?

Minsan din tayong magpapasya sa ating buhay na magdudulot sa atin ng buhay na walang hanggan. Ayon po sa Juan 3:16, “Sapagkat gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Kaya`t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Sa minsang pagpapasya ng tanggapin si Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng iyong buhay, ang pangako sa sangkatauhan ay “Buhay na Walang Hanggan”, bagay na hindi kayang bilhin ng anumang salapi o kayamanan. Kapag tayo ay nagpasiya na si Jesus ang manguna sa ating buhay, natitiyak po natin na siya ang magiging “Pastol” ng ating buhay:

“Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa. Kapag nakikita ng upahang-lingkod na dumarating ang lobo, iniiwan niya ang mga tupa at tumatakbong palayo. Ginagawa niya ito sapagkat hindi siya ang pastol at sila ay hindi sa kaniya. Pagkatapos, ang mga tupa ay sinisila ng lobo at kinakalat. Ang upahang-lingkod ay tumatakbong palayo sapagkat siya ay upahang-lingkod at wala siyang pagmamalasakit sa mga tupa.

Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking mga tupa at kilala ako ng aking mga tupa. Kung papaanong nakikilala ako ng Ama ay ganoon din naman, nakikilala ko ang Ama. Iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. Mayroon akong ibang mga tupa na wala sa kawang ito. Sila rin ay dapat kong dalhin at diringgin nila ang aking tinig. At magkakaroon ng isang kawan at ng isang pastol. Dahil dito, iniibig ako ng Ama sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito ay makuha kong muli. Walang sinumang makakaagaw nito sa akin. Subalit kusa ko itong iniaalay. Mayroon akong kapamahalaang ialay ito at mayroon akong kapamahalaang kunin itong muli. Ang utos na ito ay tinanggap ko mula sa aking Ama.”

Juan 10:11-18 (MBB)

Si Jesus na ating “Pastol” ang mag-iingat at gagabay sa atin upang tayo ay ilayo Niya sa masasama at magbibigay ng lahat ng ating pangangailangan. Ang ‘Salita ng Diyos” ang magbibigay talino at karunugan sa atin upang tayo ay mamuhay ng may kabuluhan.

Ayon kay Haring Solomon sa Ecclesiastes 12:13-14, “Ngayong nabasa[h] mo na ang lahat ng ito, ito ang aking huling payo: Matakot ka sa Dios at sundin mo ang kanyang mga utos, dahil ito ang tungkulin ng bawat tao.  Sapagkat hahatulan tayo ng Dios ayon sa lahat ng ating ginagawa, mabuti man o masama, hayag man o lihim.”

Ang pagpapasya ng “Minsan” ay maaaring magdulot sa atin ng tagumpay o kapahamakan.

Nasa iyo ang pagpapasya!

Panginoong Diyos, salamat po sa buhay na Inyo pong ipinagkatiwala sa amin. Dalangin po namin na gabayan Mo po ang Pambansang Pulisya sa pangunguna ni PLtGen Jose Melencio C Nartatez, Jr, na pangunahan kami ayon sa karunungan at katalinuhang mula sa Iyo. Upang manatili ang kaayusan at kapayapaan sa buong kapuluan. Mangyari nawa na ang bawat-isa ay maging mabuting ehemplo bilang “Lingkod ng Bayan”. Ito po ang aming dalangin sa Iyong Dakilang Pangalan. Amen!

Panulat ni PMAJ FULGENCIO M CAÑON JR

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
5,060SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles