Matapos ang 2025 na eleksyon, iniulat ng Police Regional Office MIMAROPA sa pamumuno ni Police Brigadier General Roger L. Quesada, na mapayapa at maayos ang pangkalahatang pagsasagawa ng 2025 National and Local Elections (NLEs) sa buong rehiyon.
Naisakatuparan ang ligtas at maayos na halalan sa rehiyon sa pinagsama-samang pagsisikap ng Philippine National Police (PNP), Commission on Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Education (DepEd), at iba pang government at civic partners.
Nanatiling kalmado at ligtas ang proseso ng pagboto sa Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan sa buong araw ng halalan, na walang naitala na validated election-related incidents (ERIs). Nakapagboto ang mga botante nang ligtas at walang abala.
Nagresulta din ang mga operasyon na humantong sa pagkahuli ng 32 indibidwal sa apat na paglabag sa liquor ban. Ang mga kasong ito ay mabilis na natugunan alinsunod sa mga alituntunin ng COMELEC.
Tiniyak din ng nangungunang pulis ng MIMAROPA na ang PRO MIMAROPA ay nananatiling ganap na nakatuon sa pag-secure ng lahat ng kritikal na yugto ng proseso ng elektoral, na may mga pwersang panseguridad na naka-deploy na upang protektahan ang mga canvassing center, transmission hub, at mga opisyal na paglilitis sa mga lalawigan.
Sa kabila ng matagumpay at mapayapang pagdaraos ng eleksyon sa rehiyon ay patuloy pa rin na naka-hightened alert ang kapulisan hanggang sa matapos ang election period sa bansa.
Source: PRO MIMAROPA
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña