Mt. Province – Matapos ang 19 na taon na pagseserbisyo sa Communist Terrorist Group (CTG) ay boluntaryong sumuko ang isang magsasaka sa mga awtoridad sa Otucan Sur, Bauko, Mountain Province nito lamang ika-22 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General David Period Jr., Regional Director ng Police Regional Office Cordillera, ang sumuko na isang 43 anyos, magsasaka, residente ng Besao, Mountain Province at aktibong miyembro ng Militia ng Bayan/NPA in the Barrio sa ilalim ng KLG AMPIS na tinaguriang Weakened Guerrilla Front AMPIS (WGF AMPIS).
Ang pagsuko ay isinagawa at pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company kasama ang iba pang unit ng Police Regional Office Cordillera.
Iginiit ng sumuko na siya ay na-recruit ng kanyang tiyuhin at nagsilbi bilang Militia ng Bayan/NPA sa Baryo ng WKLG AMPIS mula 2004 hanggang 2019.
Patuloy ang panawagan ng Cordillera PNP sa mga natitira pang miyembro ng CTGs na sumuko sa gobyerno at iwan ang makakaliwang grupo na walang ibang dala kundi karahasan at terorismo na hadlang sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.