Walang pag-aalinlangang sumuko sa pamahalaan ang dalawang tagasuporta ng Communist Terrorist Group na KLG-Sandino nito lamang ika-03 ng Abril 2024.
Ang mga sumukong tagasuporta ng CTG ay kinilalang sina alyas “Ruben”, 59, may asawa, tricycle driver at alyas “Irma”, 54, may asawa, magsasaka at parehong residente ng Barangay Mckinley, Galimuyod, Ilocos Sur.
Ang matagumpay na pagsuko ay resulta ng patuloy na community immersion at negosasyon ng 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Rodelio F Santos, Force Commander, Intel PIU, Sta, Lucia MPS, Banayoyo MPS at Tagudin MPS.
Ang kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan ay isang tagumpay para sa gobyerno at kapulisan na isang patunay lamang sa patuloy na pagbaba ng suporta sa armadong pakikibaka sa rehiyon.
Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na koordinasyon at pagsisikap ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, umaasa ang pamahalaan na mas marami pang rebeldeng magpapakita ng katulad na desisyon na sumuko at makiisa sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul