Northern Samar – Nakatanggap ng munting regalo ang mga retiradong guro mula sa mga tauhan ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa Mondragon, Northern Samar nitong ika-5 ng Oktubre 2022.
Ito ay isinagawa sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr, Force Commander ng 1st Northern Samar PMFC kasama ang mga tauhan nito.
Ang aktibidad ay alinsunod sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day na may temang “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino”.
Nabigyan ng mga bulaklak na may kasamang special cake ang dalawang retiradong guro na sina Ma’am Delia De Guia Marquita at Ma’am Elsa Españo bilang pasasalamat at pagbibigay karangalan sa ilang taong serbisyo na kanilang nilaan.
Ang inisyatibo na ito ng 1st Northern Samar PMFC ay bilang pagpupugay sa kanilang walang katumbas na dedikasyon at kontribusyon sa sektor ng edukasyon.
Isa ito sa binibigyan ng importansya ng ating Bise Presidente Sara Duterte dahil isa sila sa tagataguyod ng kaunlaran ng bansa.
Alinsunod din ito sa programa ni Chief PNP na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran o MKK=K para sa ligtas at mapayapang komunidad.
Source: 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company