Bulacan – Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit 3 ang mga pekeng sigarilyo matapos ikinasa ang entrapment operation sa Brgy. Talampas, Bustos, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-14 ng Hunyo 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jess Mendez, Regional Chief, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ruben”, 37, alyas “Joanne”, 37, at alyas “Jecel”, 26, pawang mga residente ng Brgy. Talampas, Bustos, Bulacan.
Ito ang naging aksyon mula sa reklamo ng Philip Morris Fortune Tabacco Corporation Inc. (PMFTC Inc) patungkol sa peke o counterfeit na sigarilyo.
Nakumpiska ang 35 master cases ng RGD cigarettes; 12 master cases ng Farstar cigarettes; dalawang reams ng Marlboro Gold; dalawang master cases ng Marlboro Red; isang pirasong Php1,000 bill; isang Toyota Hi-Ace Van (black) at isang (1) Toyota Veloz na may tinatayang halaga na Php500,000 halaga ng pekeng sigarilyo sa isinagawang operasyon.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 7394 o “The Consumer Act of the Philippines”, RA 8293 o “Intellectual Property Code of the Philippines” at RA 10643 o “The Graphic Health Warnings Law”.
Patuloy ang CIDG-RFU3 sa paghuli sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.
Source: CIDG-RFU3
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3