Tuesday, April 15, 2025

Mga pampasabog, narekober ng mga kapulisan sa Cebu City

Narekober ng mga awtoridad ang mga pampasabog sa loob ng bahay ng isang pumanaw na retiradong pulis sa Pacaña Compound, Tres de Abril St., Barangay Labangon, Cebu City noong ika-10 ng Abril, 2025.

Ayon kay Police Major Timothy Jim Modina Romanillos,    Acting Station Commander ng Police Station 10, Cebu City Police Office, nagtungo sa istasyon ang isang concerned citizen matapos matagpuan ang mga pinaniniwalaang pampasabog sa bahay ng namayapang retiradong pulis.

Agad namang tumugon ang mga tauhan ng nasabing istasyon at kinordon ang lugar habang hinihintay ang Explosive Ordnance Disposal at SWAT team.

Sa isinagawang inspeksyon ng EOD, natukoy na ang mga narekober ay isang 81mm mortar na walang safety pin, isang MK2 fragmentation grenade na walang safety lever, safety pin at striker, at isang laruan na granada.

Matapos ang maayos na pagproseso, ang mga tunay na pampasabog ay dinala ng EOD Team para sa wastong disposisyon.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang bagay sa paligid upang maiwasan ang posibleng banta sa seguridad ng komunidad.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,490SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles