Aktibong nakilahok ang mga opisyal ng Barangay Caanawan sa isinagawang talakayan/Dialogue ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija PNP sa Barangay Caanawan, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-10 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCpt Richard Fernando, Assistant Force Commander ng nasabing yunit.
Nagbigay kaalaman ang pulisya tungkol sa Crime Prevention, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Human Rights Advisory, at Anti-illegal drugs o ang programang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA). Kabilang din sa tinalakay ang tungkol sa mga adbokasiya ng nasabing yunit.
Labis ang pasasalamat ng mga kalahok sa mga kaalaman na kanilang natutunan dahil malaking tulong ito sa kanila upang maiwasan ang pagiging biktima ng anumang uri ng krimen at hindi sumapi sa mga makakaliwang grupo.
Layunin ng aktibidad na ito na madagdagan ang kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa mga batas, bilang pagtugon sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapaigting ang seguridad ng bawat mamamayan at mapanatili ang pagkakaisa ng bawat Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Lixen Reyz A Saweran