Bacolod City – Idineploy ang higit 300 na kapulisan ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) upang maglunsad ng Search and Rescue (SAR) operation habang patuloy na binabayo ng bagyong Agaton ang lalawigan mula kahapon, Abril 11, 2022.
Ayon sa pahayag ng tagapagsalita ng NOCPPO na si Police Lieutenant Abegael Donasco, ipinag-utos ni Police Colonel Leo Pamittan, Acting Provincial Director ng NOCPPO, ang activation ng Disaster Incident Management Task Group upang bantayan ang kalagayan at kaganapan bunsod ng panahon at pagdeploy ng 372 na miyembro sa hanay ng kapulisan sa lalawigan.
Ayon pa sa tagapagsalita, nanatiling naka-standby ang mga grupo mula sa 31 himpilan ng NOCPPO para tumulong sa posibleng paglikas at iba pang gawaing pang search and rescue.
Ang PNP sa Negros Occidental ay may nakahandang disaster response contingent na binubuo ng 248 katao o walong katao mula sa bawat himpilan ng pulisya sa probinsya.
Samantala, mayroon namang 124 na pulis ang kabilang sa Reactionary Standby Support Force na handang maging karagdagang tulong sa bawat istasyon ng pulisya.
Dagdag pa niya, nitong umaga ng Martes, Abril 12, 2022 ay may 33 kapulisan na ang nagtungo sa lungsod ng Talisay, Silay, Sagay at iba pang bayan ng E. B. Magalona para sa rescue operations sa mga binahang lugar.
Mananatili namang handang tumulong ang PNP sa panahon ng sakuna lalo na sa kasalukuyang panahon na sumasailalim ang ilang bahagi ng probinsya sa pagsubok gawa ng bagyong Agaton.
###
Damo gid n salamat sa tanan n mga kapulisan mabuhi kamo