Pasay City — Nakatanggap ng tulong ang mga nasunugan sa Barangay 113, Pasay City mula sa mga tauhan ng 7th Mobile Force Company ng RMFB-NCRPO bandang 10:00 ng umaga nito lamang Sabado, Setyembre 10, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Joel James Jose D Guzman, Chief CAS sa pangangasiwa ni Police Captain Jul-Musa Sali Saat, Company Commander.
Nakiisa rin sa nasabing programa ang mga miyembro ng Fraternal Order of Eagles, Philippine Eagles Prime South Eagles Club at Pinagsama Blasters Eagles Club.
May 100 na biktima ng sunog ang nakatanggap ng grocery packs, preloved clothes at hygiene kits na malaking tulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Ito ay bilang tugon sa bagong programa ng Pambansang Pulisya na M+K+K=K (Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan=Kaunlaran) kung saan pinaparamdam ng pulisya sa publiko ang kanilang malasakit at presensya sa komunidad upang makamtan ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar gayundin ang minimithing kaunlaran sa bansa.
Source: 7th MFC RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos