Kabankalan City, Negros Occidental (December 30, 2021) – Patuloy ang pamamahagi ng ating mga kapulisan sa Kabankalan City Police Station na pinangungunahan ni Police Lieutenant Dennis Melgarejo, Deputy Chief of Police for Operation sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Raymond Cruz, Officer-in- Charge kasama ang 604th Company, Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 6 na pinangungunahan naman ni Police Captain Rhazl Jim Jocson, Ex-O/Platoon Leader, ng mga relief goods sa mga residente sa Sitio Binawian at Sitio Ubay, Barangay Binicuil, Kabankalan City nitong Disyembre 30, 2021 na isa sa malubhang hinagupit ng bagyong Odette kamakailan lang.
Di alintana ang pagod at mainit na sikat ng araw sa mga mukha ng ating masisipag na miyembro ng pambansang pulisya makapag-abot lang ng mga relief goods sa ating mga kababayang Negrense.
Nakapag-abot sila ng kabuuang 60 containers na tubig inumin, 200 bottles ng mineral water, 74 packs na tinapay at 64 packs ng malinis na damit.
Natapos ang araw na may nakaukit na ngiti bitbit ang mga gift packs at tubig inumin ang mga residente habang papauwi sa kani-kanilang tahanan.
Lubos namang pinapasalamatan ng ating mga kapulisan ang mga taong di nag-atubiling mag-abot ng tulong pinansyal upang mairaos ang pamimigay ng mga relief goods. Isa na rito sina Mr & Mrs. Caspe, ROTARACT Club ng Bacolod North, Miss Joy Ann Ardiente at iba pang mga stakeholders.
#####
Saludo sa ating mga kapulisan
Salamat pnp sa naipada nyong pakikiramay saaming mga nasalanta ng bagyong oddet
Salamat sa tulong lalo sa aming mga nasalanta ng bagyong odet
Mabuhay ang mga Alagad Ng Batas