Quirino – Nakatanggap ng pangkabuhayan package ang labing anim (16) na nagbalik-loob na rebelde mula sa programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno sa Barangay Ligaya, San Leonardo Aglipay, Quirino nito lamang ika-30 ng Agosto 2022.
Pinangunahan ni PCol Rommel A Rumbaoa, Provincial Director ng Quirino Police Provincial Office, kasama ang mga tauhan nito katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pangunguna ni Mary Anne C Dy, OIC, Provincial Director ng Quirino Province sa pagsasagawa ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa sa labing-anim (16) na dating rebelde (FRs).
Ayon naman kay PCol Rumbaoa, ang labindalawa (12) dito ay nakatanggap ng sari sari store Package at apat (4) naman sa kanila ang nakatanggap ng Furniture kit na nagkakahalaga ng Php10,000 bawat isa.
Pinasalamatan naman ni PCol Rumbaoa ang DTI sa taos pusong pagbibigay suporta para sa ating mga kapatid na nagbabalik-loob para wakasan na ang insurhensya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong ng proseso sa reintegration ng mga dating rebelde.
Muli namang nanawagan ang Quirino PNP sa mga natitira pang miyembro ng makakaliwang grupo na sumuko na at yakapin ang tunay na kapayapaan.
Source: Quirino PNP
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier