Sunday, December 1, 2024

‘Mga kaso laban kay VP at iba pa, hindi politically motivated kundi tungkulin ng konstitusyon’ – CPNP Marbil

Ipinaliwanag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco D. Marbil na ang mga kasong isinampa laban kay Bise Presidente Sara Duterte at iba pa ay hindi politically motivated kundi bahagi ng pagtupad ng PNP sa mandato nito sa Konstitusyon upang panatilihin ang alituntunin ng batas.

“Ang PNP ay nananatiling tapat sa mandato nitong ipatupad ang batas ng walang kinikilingan o kinatatakutan. Ang pagsasampa ng kaso laban sa sinumang indibidwal, anuman ang estado o politikal na kaugnayan, ay repleksyon ng aming tungkulin sa Konstitusyon at sa sambayanang Pilipino,” saad ni PGen Marbil.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkilos ng mga tagapagpatupad ng batas dahil ang kawalang-aksyon ay maaaring magdulot ng kawalan ng tiwala ng publiko.

“Kung hindi tayo magsasampa ng kaso laban sa mga inaakusahan, ano ang sasabihin ng tao? Takot ang pulis, pangmahirap lang ang pangil ng batas. Hindi natin maaaring hayaan na mag-ugat ang ganitong pananaw. Ang aming tungkulin ay ipatupad ang batas sa lahat, anuman ang kanilang kalagayan, sapagkat ang hustisya ay hindi dapat pinipili,” paliwanag niya.

Binanggit din niya ang mga aral mula sa nakaraan: “Nakita natin kung paano ang kawalan ng aksyon o ang piling aplikasyon ng batas ay sumisira sa tiwala ng publiko—gaya ng mga kritisismo sa ‘tokhang’ noong nakaraang administrasyon, kung saan ang mga biktima ay kadalasang mula sa mahihirap. Hindi namin hahayaang maulit ito. Ang PNP ay nananatiling nakatuon sa proteksyon ng lahat ng sektor ng lipunan nang walang kinikilingan.”

Muling pinaalala ng PNP Chief ang kanilang sinumpaang tungkulin na pangalagaan ang karapatan ng bawat mamamayan habang sinisiguro ang patas na hustisya.

“Ang ating mga batas ay dapat sinusunod, iginagalang, at ipinatutupad. Ito ang aming tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas. Hindi ito usapin ng pulitika kundi usapin ng pananagutan sa ilalim ng legal na balangkas na ating pinagtibay bilang isang demokratikong lipunan,” dagdag niya.

Tiniyak din niya sa publiko na may mga legal na mekanismo upang masiguro ang patas na proseso at binigyang-diin na ang lahat ay may karapatang ipagtanggol ang kanilang sarili, gaya ng itinakda ng Konstitusyon.

Ibinase rin ni PGen Marbil sa prinsipyong legal na “Dura lex, sed lex”—ang batas ay maaaring mahigpit, ngunit ito pa rin ang batas—upang bigyang-diin ang pagiging patas ng PNP.

“Ito ang prinsipyong gumagabay sa aming trabaho. Bilang tagapagpatupad ng batas, hindi namin maaaring piliin kung sino ang saklaw ng batas o magbigay ng eksepsyon batay sa ugnayan o relasyon. Ang aming mandato ay protektahan at pagsilbihan ang lahat nang pantay-pantay, nang walang kinikilingan o diskriminasyon,” dagdag pa niya.

Tiniyak ng PNP Chief sa publiko na ang PNP ay nananatiling tapat sa pagtupad ng tungkulin ng may integridad, walang kinikilingan, at may respeto sa karapatang pantao. Nanawagan din siya sa publiko na magtiwala at makipagtulungan upang masiguro na magtatagumpay ang hustisya at ang alituntunin ng batas sa bansa.

“Tandaan natin na ang alituntunin ng batas ang pundasyon ng isang makatarungan at mapayapang lipunan. Bilang mga tagapagbantay ng kaligtasan ng publiko, nananatili kaming nakatuon sa prinsipyong ito para sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino,” pagtatapos ni PGen Marbil.

Photo by PNP FB Page

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles