Botolan, Zambales – Narekober ng Zambales PNP ang mga kagamitan ng New People’s Army sa Sitio Gued-Gued, Barangay Palis, Botolan, Zambales nito lamang Linggo, Hunyo 26, 2022.
Ang operasyon ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Caole Diaz, Officer-in-Charge ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Zambales Police Provincial Office sa pinagsanib pwersa ng 1st at 2nd PMFC, Zambales PPO, Botolan Municipal Police Station, 305th Maneuver Company, RMFB3, 33rd Mechanized Company, Philippine Army, at Provincial Intelligence Unit.
Ayon kay PLtCol Diaz, ang mga nadiskubre sa nasabing lugar ay isang M1 Grand Rifle, 28 pirasong M1 Garand Cartridge Ball; isang MK2 Frag Hand Grenade, isang M26 Frag Hand Grenade, dalawang Cartridge, 40 MM HE; tatlong M567 40 MM, Buckshot Grenade, isang Dilapidated M16 Rifle Upper Receiver, Subversive Documents, iba’t ibang medical supplies, canned goods, siyam na green jungle pack, 52 pirasong sanitary napkin, limang pistol belt, dalawang suspender, 95 pirasong safeguard soap, 32 pirasong toothpaste, 121 pirasong Shampoo sachet, isang watawat ng Communist Party of the Philippines, dalawang container na may lamang bigas, isang libro (Limang Gintong Silahis), iba’t ibang uri ng damit, 50 piraso na 25 grams na kape at 40 packs na 1/4 kilo asukal.
Ang Police Regional Office 3 ay patuloy na paigtingin ang kampanya laban sa insurhensya at kriminalidad na naglalayong mapabalik at mapasuko ang mga komunistang teroristang grupo sa pamahalaan at mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang mga mahal sa buhay.
###
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera