Matagumpay na nasamsam ng mga awtoridad ang mga gamit pampasabog sa kahabaan ng dalampasigan ng Barangay Mariki, Zamboanga City nito lamang ika-3 ng Agosto 2024.
Narekober ng pulisya ang dalawang abandonadong bangka na naglalaman ng mga iba’t ibang kargamento tulad ng 47 na piraso ng sari-saring bote na naglalaman ng ammonium nitrates, humigit kumulang anim na metrong safety fuse at 50 pirasong non-electric blasting caps.

Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas, mapanatiling ligtas ang komunidad, at ipatupad ang kapayapaan ng bansa.
Panulat ni Patrolwoman Louise Marie Conde