Batangas – Masugid na nakiisa ang mga estudyante sa isinagawang dayalogo/talakayan ng Balayan PNP sa Pooc Elementary School, Brgy. Pooc, Balayan, Batangas nito lamang Lunes, Enero 22, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Police Corporal Leovinyl Dela Cuesta, sa direktang pangangasiwa ni Police Major Domingo Deinla Ballesteros Jr, Acting Chief ng Balayan Municipal Police Station.

Ang dayalogo o talakayan ay patungkol sa Anti-Bullying, Anti-Rape Law of 1997 (R.A 8353) at Anti-Bastos Law.
Layunin nitong madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante sa mga batas, krimen, karapatan at insurhensiya para maiwasang maging biktima nito at mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa bawat isa.
Source: Balayan Wcpd E-Reklamo
Panulat ni Patrolwoman Jesy Kris S Obrero