Benguet – Bilang paghahanda sa Summer Vacation 2023 lalong-lalo na ngayong darating na Semana Santa ay nag-ikot ang Regional Director ng Police Regional Office Cordillera na si Police Brigadier General David Peredo Jr., sa iba’t ibang bus terminals at pook-pasyalan sa lungsod ng Baguio at lalawigan ng Benguet nito lamang ika-4 ng Abril 2023.
Ito ay kasunod ng paglulunsad ng āLigtas Sumvacā 2023 nitong Marso 31 ng Philippine National Police upang matiyak na ligtas ang publiko at mga turista habang nagbabakasyon.
Ilan sa mga binisita ni RD Peredo at ininspeksyon na mga pasyalan ay ang Strawberry Farm, Botanical Garden, at Mines View.
Pinuntahan at ininspeksyon din ang mga bus terminals sa Dangwa at Governor Pack Road, gayundin ang pinakamalaking mall sa lungsod ng Baguio.
Samantala, upang matiyak ang mga seguridad nasa mahigit 4,000 pulis ang idedeploy sa mga bus terminals at pasyalan sa buong rehiyon upang masiguro ang mapayapa at maayos na Semana Santa at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa panahon ng Kwaresma.