Manila — Matagumpay na narescue ng kapulisan ng Manila Police District ang mga biktima ng hostage taking sa Sta. Ana, Manila nito lamang Linggo, Enero 8, 2023.
Kinilala ni MPD Director PBGen Andre Dizon, ang hostage taker na si alyas “Terry” na residente ng Brgy. 900 Punta, Sta. Ana, Manila.
Ayon kay PBGen Dizon, hinostage ng suspek ang kanyang apat na pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. 900 Punta, Sta. Ana, Manila kung saan ang itinuturong dahilan ng insidente ay ang pag-iwan sa kanya ng kanyang asawa na siyang nag-udyok kaya niya nagawa ang panghohostage.
Samantala, mabilis namang nagtungo sa lugar ang mga kapulisan ng MPD DMFB SWAT sa pangunguna ni Police Colonel Julius Anoñuevo, Battalion Commander.
Ligtas naman ang mga biktima at sumuko sa otoridad ang suspek na nahaharap sa kasong Illegal Detention at Grave Threat.
Ang MPD ay pananatilihing mabilis na aaksyunan ang anumang uri ng kriminalidad sa lungsod upang matiyak ang seguridad at kapakanan ng bawat isa.
Source: MPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos