Patuloy ang sanib-pwersa ng pulis at militar upang tuluyang tuldukan ang teroristang grupo na nanlilinlang at umiikot sa iba’t ibang lugar, kabilang na sa Lambak ng Cagayan.
Nagresulta ito ng boluntaryong pagsuko ng isang (1) miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) at pagkahukay sa mga baril at bala sa Sitio Padbigen, Barangay Del Pilar ng San Mariano, Isabela.
Natagpuan ang isang 12-gauge shotgun; isang (1) improvised M79 na may bala; at apat (4) na pirasong anti-vehicle mines, batay na rin sa testimonya ng dating rebelde na sumuko sa pamahalaan, kamakailan.
Ayon sa ulat ni PLtCol Jeffrey Raposas, Force Commander ng Isabela Provincial Mobile Force Company, ang pagsuko ng dating miyembro ng teroristang grupo ay dahil sa hirap na nararanasan nila sa loob ng kilusan. Nahikayat siyang sumuko dahil nakita niya ang tahimik at masayang pamumuhay ng mga dating kasamahan sa kilusan na nauna ng sumuko.
Kasama sa operasyon ang mga tauhan ng San Mariano Police Station sa pangangasiwa ni PCol James M Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office at ang 95th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ang mga nasamsam na armas ay nasa kustodiya ng 1st PMFC Headquaarters para sa dokumentasyon. Pinuri naman ni PBGen Steve B. Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2, ang matagumpay na operasyon.
#####
Panulat ni: Police Corporal Carla Mae P Canapi
Mabuti na lang nadiskubre at nahukay ang mga ito. Ito ay patunay ng hindi makataong aktibidad ng mga terorista. Kawawa naman ang kanilang nabiktima.