Palawan – Nagresulta sa pagkakakumpiska ng unlicensed firearm ang isinagawang paghahain ng Search Warrant ng Roxas Municipal Police Station sa Brgy. Tumarbong, Roxas, Palawan nitong ika-3 ng Disyembre 2023.
Ayon kay Police Captain Jefferson Terbio, Officer-In-Charge ng Roxas MPS, target ng Search Warrant ang bahay ng isang alyas “Alan”, 40, residente ng Brgy. Tumarbong Roxas, Palawan.
Ayon pa kay PCpt Terbio, nag-ugat ang pagsisilbi ng search Warrant sa bahay ng suspek matapos makatanggap ng mga impormasyon na nag-iingat ito ng mga baril na walang kaukulang dokumento, matapos matiyak na totoo ang impormasyon agad itong trinabaho ng mga awtoridad, kung saan nakuha sa bahay ng suspek ang isang (1) kalibre ng 22 na armscor, tatlong (3) unit ng 12-gauge Shotgun.
Kaugnay nito ay nasa pangangalaga na ngayon ng Roxas MPS lahat ng kumpiskadong baril, habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 laban sa suspek.
Patuloy na hinihikayat ng Roxas PNP ang mamamayan sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga residenteng nagmamay-ari ng mga hindi lisensyado at ilegal na baril na huwag mag-atubiling lumapit sa kanilang himpilan upang ito’y isuko at mabigyan ng kaukulang aksyon.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus