Narekober ng mga tauhan ng Police Regional Office 5, CIDG Albay, Philippine Army, NICA 5, RIU5 – Albay PIT, at Regional Mobile Force Battalion 5 ang iba’t ibang uri ng mga baril at mga bala na pinaniniwalaang mga armas ng NPA sa Barangay Tablon, Oas, Albay bandang alas-3 ng hapon ng Mayo 29, 2024.

Narekober ang mga armas sa impormasyong ibinigay ng isang concerned citizen sa lugar na nagresulta sa pagkakarekober ng pitong (7) M16 rifle; isang (1) M16 rifle upper receiver na may mga hindi kumpletong accessory; isang (1) M203 grenade launcher; isang (1) M14 rifle; isang (1) sniper rifle; bandolier; sari-saring magazine at bala.
Ang mga nakuhang mga armas ay nasa kustodiya ng RFU5 para sa tamang disposisyon.
Pinuri ni PBGen Andre P Dizon, Regional Director ng PRO 5 ang operating team para sa kanilang matagumpay na operasyon.

Muli rin niyang pinagtibay ang pangako ng kapulisan sa pagsisikap laban sa kriminalidad at pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng mga tao.
Ang pagkakarekober ng mga armas na ito ay bunga ng epektibo at magandang ugnayan ng kapulisan at mamamayan upang labanan ang insurhensiya at terorismo sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan tungo sa isang tahimik na Bagong Pilipinas.
Source: PNP Kasurog Bicol
Panulat ni Pat Rodel Greciai