Camp Crame, Quezon City— Pinarangalan ni Chief PNP, Police General Dionardo Carlos ang mga bagong abogado sa hanay ng Philippine National Police na nakadestino sa National Headquarters nito lamang umaga ng Lunes, April 18, 2022 sa Traditional Monday Flag Raising Ceremony.
Ang resulta ng kanilang Bar examination na ginanap noong February 4 at 6, 2022 ay lumabas noong nakaraang Martes, April 12, 2022.
Ginawad sa kanila ang Medalya ng Kasanayan bilang pagkilala sa kanilang pagsusumikap at tagumpay.
Kasabay nito, pinarangalan din ni General Carlos ng Medalya ng Kagalingan ang mga tauhan ng Police Regional Office 7 sa pangunguna ni PMaj Jonathan Bethooven Taneo dahil sa pagkakakumpiska nila ng 24.42 gramo at 4,932 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000 at Php33.5 milyon sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cebu City noong Marso 26, 2022.
Pinaabot din ni General Carlos ang kanyang pagbati sa lahat ng 98 na PNP personnel sa buong bansa na binubuo ng PCOs, PNCOs, at NUP na ngayo’y mga abogado na.
Binati rin ni General Carlos ang mga Regional Director, Provincial Director, at lahat ng bumubuo ng 225,000 na miyembro ng PNP dahil sa accomplishment ngayong first quarter, kung saan bumaba ng almost 20% ang crime rate, sunod-sunod na mga nahuling droga at mga sangkot dito, mga nagawa ng pulisya laban sa insurhensiya, at mga nahuling private armed group.
“Maraming-maraming salamat sa inyo pong contribution individually and collectively as a member of Philippine National Police. I believe in the past three months you have delivered and this April, itong last month natin and going to the election and the last week of the election, we continue focus on our task of delivering a peaceful election. Nothing else. So, maraming-maraming salamat po. Congratulations to everybody,” pagtatapos ni General Carlos.
###
Panulat ni PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos
👍🏻