San Mariano, Isabela – Narekober ang mga armas, pampasabog at watawat ng Communist Terrorist Group (CTG) sa isang operasyon ng mga otoridad sa Sitio Lucban, Barangay Dibuluan, San Mariano, Isabela noong Mayo 3, 2022.
Ayon kay PCol Julio Go, Acting Provincial Director, Isabela Police Provincial Office, narekober ang mga kagamitan dahil sa impormasyon at tulong ni Ka Jepoy, isang dating miyembro ng Central Front Committee na sumuko sa 1st Isabela Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay PCol Go, ang operasyon ay matagumpay dahil sa pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng mga tauhan ng 1st Isabela PMFC sa pangunguna ni PLtCol Jeffrey Raposas, Force Commander, Isabela Provincial Intelligence Unit, San Mariano Municipal Police Station, 201st Regional Mobile Force Battalion 2, Regional Intelligence Unit 2, CIDG Isabela Provincial Field Unit, 86th Infantry Battalion at 95IB 502nd BDE, PA.
Dagdag pa ni PCol Go, ang mga narekober ay dalawang Rifle Grenades, isang M1 Garand rifle na walang Butt Stock, isang Upper Receiver ng M16 A1 Rifle, isang Upper Receiver ng M2 Carbine, mga bahagi ng 12 Gauge Shotgun at isang watawat ng CTG.
Ang pagsuko ng dating rebelde ay patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya kontra terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF- ELCAC.
Layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang mga dating rebelde na magbagong buhay kapiling ang pamilya.
Source: Isabela PPO
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi