New Bataan, Davao de Oro – Matagumpay na narekober ng mga tauhan ng Davao de Oro Police Provincial Office ang mga armas ng Communist Terrorist Groups sa Sitio Liboton, Brgy. Andap, New Bataan, Davao de Oro nito lamang Miyerkules, Mayo 25, 2022.
Ito ay matapos ipagbigay-alam ng former rebel na si alyas “Win-win” mula sa Regional Operations Command – Southern Mindanao Regional Committee (ROC-SMRC) ng New People’s Army, ang kinaroroonan ng mga baril.
Si alyas “Win-Win ay sumuko kamakailan sa Davao de Oro PPO sa pamumuno ni PCol Leonard Luna, Provincial Director.
Kaagad na nagsagawa ng Major Internal Security Operation ang mga tauhan ng 1st Davao de Oro Provincial Mobile Force Company, Davao de Oro PPO kasama ang 2nd DDOPMFC, 1101st RMFB, 11SAB/SAF, at 66th Infantry (Kabalikat) Battalion na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga armas.
Kabilang sa mga narekober ang tatlong AK47 Rifle na may dalawang 30-round magazines, isang M16 Rifle na may isang M203 Grenade Launcher na sinasabing inilibing ng mga CTGs.
Nasa kustodiya na ngayon ng 1st Davao de Oro PMFC ang mga narekober na baril para sa kaukulang disposisyon.
Patunay ito na ang mga dating rebelde na tinalikuran ang kilusan ay buo na ang kanilang suporta at katapatan sa gobyerno.
###
Panulat ni PCpl Mary Metche A Moraera