Nueva Ecija – Narekober ng mga tauhan ng Nueva Ecija PNP ang iba’t ibang uri ng baril, mga bala at mga pampasabog sa Brgy. Calabasa, Gabaldon, Nueva Ecija nito lamang Linggo, ika-19 ng Nobyembre 2023.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ni Police Colonel Richard Caballero, Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office.
Narekober ang mga naturang kagamitan sa tulong ni alyas “Ka Bala”, dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan nito lamang Nobyembre 17, 2023 at dating miyembro ng Larangang Gerilya ng Patag Uno.
Narekober ng mga awtoridad ang isang 38 caliber revolver, dalawang bala, isang high explosive grenade, at mga Improvised Explosive Devices (IEDs).
Patuloy ang Nueva Ecija PNP sa pagpapaigting laban sa insurhensiya at terorismo upang maprotektahan at mapanatili ang kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Source: Nueva Ecija Police Provincial Office
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera