Eastern Samar – Nakatanggap ng munting regalo ang mga anak ng mga dating rebelde mula sa mga tauhan ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa Dolores, Eastern Samar nito lamang Lunes, Agosto 1, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Joy G Leanza, Force Commander ng 1st Eastern Samar PMFC kasama ang PCAS Team sa pangunguna ni Police Lieutenant Angelyn Glou A Cortado, Admin at PCAS Officer at mga miyembro ng Company Advisory Group for Police Transformation and Development.
Nakatanggap ang mga kabataan ng mga hygiene kit, mga librong babasahin at pagkain. Kasama rin sa aktibidad ang pagbabasa ng iba’t ibang kwento mula sa mga librong ipinamahagi. Nagkaroon rin ng sari-saring palaro kung saan may naghihintay na premyo sa mga mananalo.
“I am happy to see that the children of our Former Rebels are happy even with this simple program. Habang ako ang Force Commander, I will encourage these initiatives to help the FRs and bring happiness to their families, especially their children”, pahayag ni PLtCol Leanza.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez