Zamboanga City – Nagsagawa ng Mental Health Awareness at libreng gupit ang Zamboanga City PNP sa mga estudyante ng Muruk Elementary School, Zamboanga City nito lamang Martes, Nobyembre 29, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 7 sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Jamar Tagayan, Acting Station Commander.
Naghatid ng serbisyo publiko ang naturang aktibidad tulad ng Mental Health Awareness Seminar at pagsasagawa ng libreng gupit sa mga batang mag-aaral na labis namang ikinatuwa ng mga guro at mga magulang.
Patuloy ang paghahatid ng serbisyo publiko ng Zamboanga City PNP upang mapaigting ang ugnayan ng pulisya at komunidad tungo sa maunlad na pamayanan.
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz