Calamba City, Laguna – Nagsagawa ng signing of Memorandum of Agreement ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4A at Calamba Premiere International Park Association Inc. (CPIPAI) sa Brgy. Batino, Calamba City, Laguna bandang 5:00 ng hapon nitong Miyerkules, Marso 30, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Force Commander, Regional Mobile Force Battalion 4A na si Police Colonel Ledon Monte bilang kinatawan ng Police Regional Office 4A kasama ang Calamba Premiere International Park Association Incorporated na kinatawan naman ni Mr. Carlos Po, General Manager.
Ang nasabing Memorandum of Agreement ay naglalayong protektahan at bigyan ng seguridad ang mga manggagawa laban sa mga Counter Terrorist Groups sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga police office at mga outpost sa paligid ng industrial park.
Samantala, tinalakay rin sa nasabing aktibidad ang inagurasyon ng Encouraging Love Commitment and Cooperation on Peace and Order (ELCAC PO) na gaganapin sa susunod na Linggo.
Kasama rin na dumalo ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A na pinamumunuan ni Police Major Kris Albin Gonzales, Officer-in-Charge.
Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang suporta at magandang relasyon ng kapulisan at ng mga kumpanya at manggagawa sa Calamba Premiere International Park sa pamamagitan ng pagtatatag ng police outpost sa loob ng nasabing lugar.
###
Panulat ni Patrolman Mark Lawrence S Atencio
Godbless PNP
Salamat po. God bless PNP