Cebu – Tiklo ang isang mekaniko na binansagang Top 2 City Most Wanted Person ng Cebu sa kasong kaugnay sa ilegal na droga kasunod ng isinagawang paghahain ng Warrant of Arrest ng City Investigation and Detective Management Unit (CIDMU) at Police Station 5 ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO) noong Abril 12, 2023 sa Maria, Brgy. Pusok, Lapu-Lapu City, Cebu.
Kinilala ng City Director ng LCPO, Police Colonel Elmer Lim, ang naaresto na si ‘Homer’, 32, residente ng Laray, Brgy. Nangka, Consolacion, Cebu.
Nadakip ang akusado dakong alas-5:50 ng hapon noong Miyerkules sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 – Possession of Dangerous Drugs (Violation of Section 11, Article ll, R.A. 9165).
Patuloy naman ang Lapu-Lapu City PNP sa mga hakbangin nito upang tiyakin ang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng lungsod.