Negros Occidental – Nakilahok ang mga tauhan ng 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company sa Medical, Surgical Mission at Community Outreach Program sa Old Sagay Elementary School, Sagay City, Negros Occidental nito lamang ika-20 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Felix G Yusay Foundation Inc. sa pamumuno ni Ms Sharon T Jornadal, Executive Director at 1st NOCPMFC Advisory Groups Chairperson katuwang ang Sagay Component City Police Station, 65th SAC, PNP SAF; 79IB, 3ID, Philippine Army at Philippine Air Force Tactical Operation 6 at iba pang mga stakeholders.
Matagumpay na isinagawa ang libreng tuli, libreng gupit, feeding program at pamimigay ng relief goods sa mga residente ng nasabing lugar.
May kabuuang 115 na mga bata ang naka-avail ng libreng tuli, 80 na indibidwal ang naka-avail ng libreng gupit, 60 na indibidwal naman ang nabigyan ng relief goods, 200 na indibidwal ang pinakain at nasa 100 na bata naman ang nabigyan ng tsinelas.
Ito ay alinsunod sa 27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng Negros Occidental PNP sa iba’t ibang stakeholders at Advocacy Support Group upang makapagbigay ng libreng serbisyo at tulong sa mga mamamayan na lubos na nangangailangan.
###