Pinangunahan ng Regional Medical and Dental Unit (RMDU) 2 ang pagsasagawa ng Medical and Dental Mission na ginanap sa Barangay Hall Caggay, Tuguegarao City nito lamang ika-22 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Nagkaroon ng libreng medical at dental check-up at tooth extraction na pinilahan ng mga dumalo.
Maliban dito ay namahagi rin ng health kits, libreng pares ng tsinelas at feeding program na nakadagdag saya sa aktibidad.
Mahigit kumulang 200 na indibidwal naman ang naging benepisyaryo ng naturang aktibidad.
Samantala, nakiisa at sumuporta naman ang Cagayan Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Julio Gorospe Jr., Officer-In-Charge; mga miyembro ng Aviation Security Unit 2; mga pastors ng My Brother’s Keeper Life Coaches at mga stakeholders.
Ang aktibidad ay isang paraan upang maipakita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na alinsunod sa Revitalized KASIMBAYANAN Program ng PNP na naglalayong mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng bayan.
Source: Cagayan Police Provincial Office
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi