Tublay, Benguet (February 24, 2022) – Matagumpay na naisagawa ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) ang Medical at Dental Mission sa Dorencio Elementary School, Sitio Coroz, Barangay Ambassador, Tublay, Benguet noong ika-24 ng Pebrero 2022.
Ang Medical at Dental Mission ay isinagawa ng Regional Community Affair and Development Division (RCADD) sa pamumuno ni Police Colonel Christoper Acop, Chief, RCADD na pinangunahan ni Police Lieutenant Jovelyn Awingan, Chief, Community Affairs Section (CAS) at ng Regional Medical and Dental Unit (RMDU) Cordillera sa pangunguna ni Police Colonel Jessiemyr Protacio, Chief, RMDU.
Humigit-kumulang 100 na residente ang nakatanggap ng serbisyong medical, mga gamot at bitamina mula sa RMDU, mga assorted food packs at mga damit mula sa RCADD at mga sari-saring gulay naman mula sa 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pamumuno ni Police Colonel Benson Macli-ing.
Nagbigay ng kaalamang pangkalusugan sa “Oral Health Care” ang mga tauhan ng RMDU sa 45 na mga bata at pagkatapos ay binigyan ng libreng dental check-up at hygiene kits.
Kasama din sa misyon ang libreng konsulta sa mata mula sa PNP partners at stakeholders sa katauhan ni Dr. Junn Dizon ng Dizon Vission Clinic, Baguio City na namigay din ng libreng 20 eyeglasses.
Hindi rin nagpahuli ang “Resbakuna” ng Municipal Health Unit para sa mga gustong magpabakuna at magpabooster.
Bukod pa dito, tinalakay at nagbigay kaalaman naman ang mga tauhan ng RCADD at Anti-Cyber Crime Group sa mga usaping “Mga Tungkulin ng mga Magulang sa Pag-iwas sa Cyber-Crime” sa ilalim ng RA 10175, “Mga Tungkulin ng Magulang at Responsibilidad ng mga Anak”, “Mga Epekto sa Pag-abuso sa Paggamit ng Social Media” at “Mga Epekto at Kaparusahan sa Deforestation.”
Samantala, nagpapasalamat si Hon. Sison Balawen, Brgy. Chairperson ng Brgy. Ambassador sa hatid na tulong at serbisyo ng mga kapulisan sa kanyang nasasakupan.
###
Panulat ni PSSg Amyl Cacliong, RPCADU COR