Pateros, Metro Manila — Nagsagawa ng Medical at Dental Mission ang mga tauhan ng 8th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion NCRPO sa Barangay San Roque, Pateros, Maynila nito lamang Huwebes, Oktubre 6, 2022.
Naisakatuparan ang naturang aktibidad sa pangunguna ni Police Captain Angelique Brayn C Albing, Officer-In-Charge sa ilalim ng gabay ni Police Colonel Jonathan G Calixto, Force Commander ng RMFB at sa pakikipagtulungan ng MW Roberto Q. Pagotan Masonic Lodge No. 282.
Libreng konsultasyon at libreng bunot ng ngipin ang serbisyong hatid ng grupo sa mga residente ng lugar kung saan namahagi rin sila ng mga bitamina.
Ang aktibidad ay hindi lamang isang pagsusumikap na magbigay ng mga libreng serbisyong medikal sa mga mahihirap nating mga kababayan, ngunit nagsisilbi rin ito bilang isang tanglaw ng liwanag at pag-asa para sa mga taong may dinadaing na karamdaman na di sapat ang kinikita sa pag araw araw nilang pamumuhay.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos