Enrile, Cagayan – Naglunsad ng Medical Assistance Program ang Enrile PNP sa Isabela Eye Specialist, Santiago City noong Hulyo 27, 2022.
Ang aktibidad ay pinasimulan ni Pat Cesar Bayubay, Drug-Related Data Integration and Generation System (DRDIGS) PNCO ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office kasama si Ms. Amalia Decena, President, PWD (DSWD) at Municipal Advisory Council member.
May labing apat na mapalad na benipisyaryo ng Enrile, Cagayan ang nakatanggap ng Laser Iridoplasty.
Ang programang ito ay isa lamang sa mga aktibidad ng PNP na naglalayon na tulungan ang mga tao na hindi kayang gastusan ang isang operasyon sa mata at magbiyaheng mag-isa lalo na kapag may kapansanan.
Source: Enrile Pcr
###
Panulat ni PSMS Marisol A Bonifacio