Enrile, Cagayan – Naglunsad ng Medical Assistance Program ang Enrile PNP sa Isabela Eye Specialist, Santiago City noong Hulyo 13, 2022.
Ang aktibidad ay pinasimulan nina Pat Carissa Tamayao, Provincial Police Strategy Management Unit, PNCO at Pat Jay Bhie Peralta, Admin PNCO ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office kasama si Ms. Amalia Decena, President, PWD (DSWD) at Municipal Advisory Council member.
Ayon kina Pat Tamayao at Pat Peralta, isa si Ginoong Bernardino Caranguian sa mapalad na benepisyaryo ng Enrile PS ang nakatanggap ng Laser Iridoplasty.
Ang programang ito ay isa lamang sa mga aktibidad ng PNP na naglalayon na tulungan ang mga tao na hindi kayang gastusan ang isang operasyon sa mata at magbiyaheng mag-isa lalo na kapag may kapansanan.
Source: Enrile Pcr
###
Panulat ni PSMS Marisol A Bonifacio