Cebu City (February 8, 2022) – Ginawaran ng Police Regional Office 7 ng Medalya ng Papuri ang Team PNP water cops na mula sa PRO 2 at PRO 5 alinsunod sa General Orders Number AW-2022-452 at 453 na ginanap sa Camp Sergio Osmena, Cebu City nitong Pebrero 8, 2022.
Ang nasabing paggawad ay pinangunahan ng Regional Director ng PRO 7 na si PBGen Roque Eduardo Vega.
Ang Team PNP water cops ay naging bahagi sa Operation Christmas Drop na inilunsad ng Hepe ng Pambansang Pulisya, PGen Dionardo Carlos, matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette sa Visayas.
Kinilala ang mga ginawaran na sina PSMS William L Caronan, PCpl Sotero Migthor M Tungcul, Pat Richmond J Tinaza, Pat Jerald T Quilang, PCpl Nemar P Abad, Pat Jovoni Genesis G Placedes, Pat Vicente S Marpuri IV, Pat French Aiken P Llona, at Pat Leon B Y Ocampo.
Sila ang mga miyembro ng nasabing grupo na ipinadala sa Lalawigan ng Bohol upang maghatid ng ligtas na inuming tubig sa pamamagitan ng Water Desalination Equipment na kanilang dala.
Ang parangal na iginawad sa mga nasabing pulis ay nagpapatunay na ang serbisyo at sakripisyo ng bawat miyembro ng organisasyon ay lubos na pinapapahalagahan at hinahangaan.
####
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan
Congrats good job PNP
Snappy salute po sir! ?
Congratulation sir!
Congrats Sir ?