Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pagkakadakip sa isang kandidato sa pagka-Mayor sa Midsayap, Cotabato matapos masangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Eleazar, ito ay patunay na hindi tumitigil ang PNP sa pagtugis sa mga kriminal, kabilang ang mga kakandidato na magiging ‘peace spoilers’ sa darating na halalan.
“I commend our operatives who carried out this operation for heeding to my call to monitor the illegal drugs activities of some erring candidates in order to ensure that drug money will not be used to fund their bid for the 2022 local and national elections. We will not be distracted in our determination to further cripple the operational capability of illegal drugs syndicate in the country,” pahayag ni PGen Eleazar.
Naaresto sa operasyon ng PNP, AFP at PDEA ang 52-anyos na si Tom Nandang o Datukon Nandang na tatakbo bilang Mayor sa bayan ng Northern Kabuntalan sa Maguindanao.
Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang Php5-milyon tinatayang halaga ng hinihinalang shabu at isang cal. 45 pistol.
“I am reiterating my warning against political aspirants with connections to criminal groups, you will be arrested. The PNP will stop you from using your guns and goons to try to steal the elections from our kababayan. Hindi titigil ang inyong PNP sa pagtugis sa mga narco-politicians at iba pang mga pulitiko na may kinalaman sa mga criminal groups. We will not allow them to use their illegal connections to undermine our democratic process,” giit ng hepe.
Si Nandang ay nasa kustodiya ng PDEA habang inihahanda pa ang mga kasong isasampa laban sa kanya.
Ipinag-utos naman ni PGen Eleazar ang karagdagang imbestigasyon upang matukoy ang posibleng mga kasabwat ni Nandang sa kanyang mga iligal na gawain.
Photo Courtesy: pna.gov.ph/newsinfo.inquirer.net
#####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche