Wednesday, February 5, 2025

Mayor sa North Cotabato at tatlo pang tauhan nito, arestado sa paglabag sa RA 10591 kaugnay sa COMELEC Gun Ban

Arestado ang isang appointed Mayor sa North Cotabato at tatlo pa nitong tauhan sa Task Force Davao Checkpoint sa Sirawan Toril, Davao City nito lamang Pebrero 4, 2025.

Ayon kay Police Major Sheryl Y Bautista, Acting Station Commander, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Anwar”, 49 anyos, appointed Mayor ng North Cotabato, alyas “Samsudin”, 39 anyos, nagsisilbing drayber at ang dalawa pang bodyguard na sina alyas “Maroufh” at “Prangco”.

Napag-alaman na sa pamamagitan ng Plain View Inspection, nakausli ang handle grip ng baril ng drayber.

Matapos naman ang masusing inspeksyon, narekober ang iba pang armas at bala na walang mga kaukulang dokumento.

Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” kaugnay sa COMELEC Gun Ban ang kakaharapin ng mga suspek.

Sa pamamagitan ng pagiging alerto at maagap ng mga tauhan ng Police Regional Office 11, ay tinitiyak na ang mga lokal na batas at mga pambansang regulasyon ay nasusunod, at ang integridad ng eleksyon ay hindi maaapektuhan ng anumang uri ng karahasan, pananakot, o pandaraya.

Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles