Carranglan, Nueva Ecija (January 12, 2022) – Sa patuloy na pagsisikap ng kasundaluhan at kapulisan na labanan ang paglaganap ng insurhensiya at terorismo sa bansa, kanilang nadiskubre ang isang taguan ng armas ng mga New People’s Army (NPA) sa Nueva Ecija noong Enero 12 taong kasalukuyan.
Habang nagsasagawa ng operasyon ang pinagsanib puwersa ng pulisya at militar, ay isang concerned citizen ang nagsiwalat sa imbakan umano ng armas ng mga NPA na matatagpuan sa Brgy Minuli, Carranglan, Nueva Ecija. Kaya naman nagsagawa ng intelligence operation ang 84 Infantry Battallion, 7 Infantry Division, Philippine Army sa ilalim ng pangangasiwa ng 703rd Brigade at 2nd Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa nasabing lugar at matagumpay na nadiskubre ang iba’t ibang kagamitang pandigma ng mga rebelde.
Nadiskubre sa lugar ay ang M203 grenade launcher; tatlong (3) stocks/butt plates ng m14 rifle; anim (6) na cartridges ng 5.56mm; sampung (10) rounds ng 40mm high explosive; apat (4) na mahahabang magasin ng 5.56mm; dalawang (2) maiiksing magasin ng 5.56mm; limang (5) ICOM two-way radios at charger; 30-liter container ng bigas; dalawang (2) keypad cellphones at iba pang medical paraphernalias.
Ang mga nasabing kagamitan ay dinala sa kampo ng 84IB para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.
#####
Salamat sa mga Awtoridad