Narekober ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang iba’t ibang matataas na kalibre ng baril at mga bala sa Barangay Panangkalan, Pahamuddin, SGA BARMM nito lamang ika-20 ng Enero 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel Eleuterio M Ricardo Jr, Provincial Director ng Maguindanao del Norte at kasalukuyang SGA Ground Commander, ang naturang operasyon katuwang ang 34th Infantry Battalion.
Narekober ng mga awtoridad ang anim na unit ng M4 Riffle, anim na unit ng M16 Riffle, isang unit ng M1 Garand, isang unit ng 7.62 sniper riffle, 45 pistol, pitong unit ng bandolier at mga bala.
Ang nasabing operasyon ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng PNP at AFP upang masugpo ang kriminalidad at tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyon.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya