Arestado ang mataas na lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na may patong sa kanyang pangalan na nagkakahalaga ng Php5.35 milyon sa ginanap na raid ng pinagsamang-pwersa ng PRO10 at 4th Infantry Division sa Quezon, Bukidnon.
Kinilala ang lider na si Loida Magpaloc alias “Debyang” na miyembro ng Central Committee ng CPP at konsultant ng National Democratic Front (NDF). Siya rin ang dating kalihim ng CPP ng Far-South Mindanao Regional Committee.
Inaresto ang nasabing lider ng CPP sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng korte ng Bayugan City, Agusan del Sur sa kasong robbery at dalawang (2) bilang ng homicide at damage to property. Dagdag pa rito ay may nakabinbin na arrest warrant ang Regional Trial Court ng Butuan City laban sa kanya sa kasong rebelyon. Isa si alias “Debyang” sa mga komunistang mga lider na kilalang kasama ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na naka-ingkwentro ng 88th Infantry Battalion sa Bryg. Laligan, Valencia, Bukidnon.