Nagcarlan, Laguna – Arestado ang isang suspek matapos mahulihan ng matataas na kalibre ng baril at mga bala ng Laguna PNP sa Brgy. Tipacan, Nagcarlan, Laguna nito lamang Nobyembre 6, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si Vincent Conejos y Javero, 35, Admin Staff/Employee, residente ng #8 San Vicente Ferer, Brgy. San Antonio, Paranaque City.
Ayon kay PCol Silvio, bandang 1:00 ng hapon naaresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng pinagsanib na pwersa ng Nagcarlan Municipal Police Station, 1st Laguna Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit, at Provincial Intelligence Unit.
Naaresto ang suspek matapos makatanggap ng ulat na may mga grupo ng kalalakihan na armado ng baril na nagpapaputok sa naturang barangay.
Narekober sa suspek ang dalawang unit ng M16 rifle na may serial number, isang M16 rifle defaced serial number, isang armscor shotgun with serial number, isang Colt, M16 rifle (airsoft), isang M16 rifle defaced serial number (airsoft), dalawang piraso ng han-held radio, dalawang piraso ng military uniforms, apat na piraso ng military vest, isang military bandolier, dalawang rifle magazine, anim na pirasong long magazine at 21 na piraso ng iba’t ibang uri ng bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong Indiscriminate Firing at Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
“Hindi namin kinukunsinti ang ganitong pag-uugali sa pangangalaga ng baril kaya mahigpit kaming nagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga Loose Firearms para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan dito sa lalawigan ng Laguna, ” ani PCol Silvio.
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon